Jay-Z natuwa sa paglantad ng kanyang ina bilang lesbian

By Justinne Punsalang April 05, 2018 - 01:07 AM

Naiyak sa tuwa ang rapper na si Jay-Z matapos lumantad sa kanya ang kanyang ina na isa itong lesbian.

Sa isang episode ng Netflix program na “My Next Guest Needs No Introduction with David Letterman,” ay sinabi ni Jay-Z na masaya siyang malaya na ang kanyang ina na si Gloria Carter.

Aniya, matagal na niyang alam na lesbian ang kanyang ina, ngunit unang beses pa lamang nilang napag-usapan ang tungkol dito noong walong buwan na ang nakakaraan.

Kwento pa ni Jay-Z, napwersa ang kanyang ina na magpanggap bilang straight noong sila ay mga bata pa dahil natatakot umano ito na mapahiya ang kanyang mga anak.

Isinapubliko ni Gloria ang kanyang sekswalidad noong 2017 sa pamamagitan ng kantang “Smile” ni Jay-Z, kung saan na-feature ang kanyang tula na “Livin in the Shadows.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.