Dating US Army sniper at 2 dating Amerikanong sundalo sinasabing naging hitmen

By Justinne Punsalang April 05, 2018 - 03:06 AM

Nililitis ngayon sa New York ang isang dating United States Army sniper at dalawang mga daling sundalo ng Estados Unidos matapos akusahang naging mga hitmen ng isang international crime boss.

Nakilala ang mga akusado na sina Joseph Hunter, Adam Samia, at Carl David Stillwell na kapwa itinanggi ang mga akusasyon.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagtrabaho bilang hitman ang tatlong mga sundalo para sa isang weapons and drug trafficer na si Paul Le Roux.

Nagtungo umano ang mga ito sa Pilipinas noong 2012 upang paslangin ang broker na si Catherine Lee.

Natagpuan ang bangkay ni Lee sa tabi ng kalsada at mayroong dalawang tama ng bala sa mukha.

Matapos ang pamamaslang ay bumalik na ng Estados Unidos ang tatlo, at taong 2015 nang sila ay maaresto.

Ayon kay Assistant US Atty. Patrick Egan, binayaran ni Le Roux ang tatlo ng $35,000 para sa pagpatay kay Lee.

Samantala, ayon sa mga abugado ng tatlong akusado, mahina ang ebidensyang hawak ng prosekusyon para ma-convict ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.