ECOP, duda sa naging paglabag ng Jollibee sa pagreregular sa mga empleyado
Duda ang presidente ng grupo ng mga employers sa bansa kung ano ang naging paglabag ng Jollibee Foods Corporation matapos itong utusan ng Department of Labor and Employment na gawing regular ang kanilang halos 6,500 na mga workers.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Donald Dee, Presidente ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP na dapat malaman kung may violation nga ba ang Jollibee.
Ayon kay Dee, napagkasuduan na ng kanilang grupo at ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan na ang ENDO at dapat na magiging regular ang mga empleyado alinsunod sa labor law.
“May violation ba? Kasi we agreed with the President na yung 555 titigilan na and employees will be appointed regular… I would like to know ano ang nangyari sa inspection po nila. I don’t think a company like Jollibee would violate this kind of rule,” ani Dee.
Dagdag ni Dee, naiintindihan niya ang sinabi ni Pangulong Duterte na mahirap talagang tuldukan ang ENDO o ang practice na end of contract sa mga manggagawa.
Liban kasi anya sa fast food giant na Jollibee ay mayroong maliliit na kumpanya na hirap na hirap at nagsasara na lamang pero alam din naman anya ng pangulo na kailangang bigyan ng benepisyo ang mga manggagawa.
Napagkasunduan din anya ng ECOP at ng gobyerno na dapat ay may kinatawan sila sa inspeksyon ng DOLE kaya nais matiyak ni dee kung nilabag nga ba ng Jollibee ang utos na pagre-regular ng mga empleyado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.