PNP, hindi kayang sundin ang SC deadline sa pagsumite ng drug war report
Wala pang natatanggap ang PNP na notice mula sa Supreme Court pero sinabi na ni PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao na mahihirapan silang masunod ang 15-days period ng korte dahil sa dami ng kailangang dokumento.
Paliwanag ni Bulalacao, hindi nila kayang sundin ang deadline dahil sa volume ng mga dokumento hindi lang mula sa national headquarters kundi pati sa mga regional offices gayundin ang geographical set up ng bansa.
Sa pamamagitan ng Office of the Solicito General, aapela ang PNP ng extension sa pagsumite nila ng rekord sa war on drugs.
Iginagalang ng PNP ang resolusyon ng Supreme Court pero nilinaw nito na hihingin pa rin nila ang legal na rekomendasyon ng OSG.
Una rito ay ibinasura ng Korte Suprema ang apela ni Solgen Jose Calida sa unang utos ng korte noong December 2017 na magsumite ang PNP ng report sa drug war.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.