Duterte maghahayag ng kanyang political plan sa Sabado

duterte
Inquirer file photo

Inaasahan na ihahayag na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang pinal na desisyon sa kanyang political career sa Sabado, October 10.

Kumpiyansa si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na tatakbong pangulo ng bansa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 elections.

Ayon kay Cayetano, may mga inilatag nang plano para sa bansa si Duterte. Bagaman hindi pa nakapagpapasya, umaasa si Cayetano na siya ang pipiliing running mate ni Duterte.

Una dito, sinabi ni Senador Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na nakuha na niya ang suporta ni Duterte para sa kanyang vice-presidential bid.

Pero ayon kay Cayetano, kahit na hindi siya ang mapili ni Duterte ay susuportahan pa rin niya ang alkalde sakaling magpasya na itong tumakbong Pangulo.

Umaasa rin si Cayetano na sabay sila ni duterte na maghahain ng Certificate of Candidacy na magsisimula sa October 12 hanggang 16.

Read more...