Istratehiya sa giyera kontra NPA, dapat baguhin na ayon kay Sen. Lacson

By Jan Escosio April 04, 2018 - 08:37 PM

Hinihikayat ni Senator Ping Lacson ang gobyerno na pag-aralan ang kasaysayan na may kinalaman sa problema sa New People’s Army.

Ayon kay Lacson maaring napapanahon na para baguhin ang ibang pamamaraan o istratehiya para tuluyan nang magwakas ang isyu.

Ipunto nito na simula nang magkaroon ng mga usapang pangkapayapaan ay tila umiikot ikot lang ang proseso.

Pagkatapos mag-usap ay magkakaroon ng mga paglabag, na susundan ng sisihan at turuan, bago muling magkakaroon ng pag-uusap.

Aniya para wala rin kinahihitnan ang lahat.

Sinabi pa nito na magandang suriin ang kasaysayan para malaman ang tunay na ugat ng problema sa pag-uusap at kung saan nabibigo ang magkabilang panig.

Binanggit pa nito na ang limang dekadang problema sa kilusan ay ang pinakamahaba na sa buong mundo.

TAGS: NPA, ping lacson, NPA, ping lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.