Dating opisyal na napaulat na tumatanggap ng tara, itinalagang Assistant Commissioner ng BOC

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vincent Philip Cuan Maronilla na una nang nadawit sa isyu ng korapsyon bilang Assistant Secretary ng Bureau of Customs.

Base sa appointment paper ng pangulo na may petsang April 3, 2018, papalitan ni Maronilla si dating BOC Assistant Commissioner Ariel Nepomuceno na nasangkot na rin sa korupsyon at isa sa mga tumantaangap ng tara sa BOC.

Nagbitiw si Nepomuceno noong buwan ng Marso lamang.

Nabatid na dati nang District Collector si Maronilla ng Manila International Container Port subalit matapos madawit sa korupsyon ay na-relieve sa puwesto.

Matatandaang sa Senate Hearing, isa si Maronilla sa mga pinangalangan ng broker na si Mark Taguba na isa sa mg tumatanggap ng tara sa BOC.

Pero matapos ang ginawang imbestigasyon ng Department of Justice at ma-clear sa korapsyon ay naitalaga naman si Maronilla bilang District Collector ng Ninoy Aquino International Airport.

Read more...