NFA Administartor Jason Aquino, pinasisibak na ni Sen. Gatchalian

By Jan Escosio April 04, 2018 - 08:25 PM

INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Para kay Senator Win Gatchalian hinog na si National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino para tanggalin sa puwesto.

Aniya ang dapat na ipalit kay Aquino ay isang grupo ng mga propesyonal na magagawa ng maayos ang mandato ng ahensiya.

Pagdidiin nito, nabigo ang kasalukuyang pamunuan ng NFA sa pangunahing
mandato nito na bigyan ng seguridad sa pagkain ang ating mga kababayan.

Kasabay nito, sinabi rin ni Gatchalian na dapat na rin pag-aralan ang mandato ng NFA at kailangan na hayaan nang makapasok ang pribadong sektor sa operasyon ng bentahan ng bigas.

Ngunit giit ng senador mananatili pa rin naman dapat ang NFA na regulator ng bentahan ng pangunahing butil sa bansa.

TAGS: jason aquino, nfa, jason aquino, nfa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.