Sec. Aguirre, dapat asuntuhin ayon kay Sen. Pangilinan

By Jan Escosio April 04, 2018 - 08:17 PM

Sinabi ni Senator Kiko Pangilinan na hindi sapat na tanggalin lang sa puwesto si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Aniya dapat din sampahan ng mga kasong plunder at katiwalian si Aguirre dahil sa mga pinaggagawa nitong kabalastugan habang pinamumunuan ang Justice Department.

Ang pahayag na ito ni Pangilinan ay bunsod ng mga kumalat na balita na nagresign na si Aguirre o sinibak na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa sunod-sunod na kapalpakan.

Sinabi pa ng opposition senator bagamat walang kumpirmasyon ang pagbaba sa puwesto ni Aguirr,e silang mga nasa oposisyon ay matagal na nila itong ipinapanawagan.

TAGS: kiko pangilinan, Vitaliano Aguirre, kiko pangilinan, Vitaliano Aguirre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.