Pagsibak kay Sec. Aguirre, hindi na dapat hintayin ng kalihim ayon kay Rep. Alejano

By Erwin Aguilon April 04, 2018 - 08:16 PM

Kasunod ng mga balitang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Vitaliano Aguirre hinamon ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang kalihim na magkusa nang bumaba sa puwesto.

Sinabi ni Alejano, na hindi na dapat hintayin pa ni Aguirre na sibakin ito ng pangulo dahil sa lahat anya ng mga kapalpakan nito ang tamang gawin ay magbitiw.

Gayunman, sinabi nito na kung lilisanin na ni Aguirre ang posisyon dapat pa rin itong maimbestigahan sa kanyang mga nagawang kabulastugan sa kagawaran.

Sakali anyang mayroong paglabag sa batas si Aguirre, hindi lamang pagsibak kundi dapat ay maparusahan ito.

Igiinit naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na ang plano ng pangulo na sibakin si Aguirre ay nangangahulugan lamang na palapak ito.

Naniniwala rin ito na natauhan na ang pangulo sa incompetence ni Aguirre na tinagurian nitong berdugo ng mga kalaban ng administrasyon.

TAGS: gary alejano, Rodrigo Duterte, Vitaliano Aguirre, gary alejano, Rodrigo Duterte, Vitaliano Aguirre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.