Pangulong Duterte, inutos ang pagpapatuloy ng peace talks sa CPP-NPA-NDF

By Len Montaño April 04, 2018 - 08:46 PM

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Advicer on the Peace Process Jesus Dureza na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippine-New People’s Army-National nDemocratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa cabinet meeting Miyerkules ng gabi, inutos ng Pangulo ang resumption ng peace talks.

Pero nais ng Pangulo na magkaroon ng malinaw na instruction sa halaga ng pagkakaroon ng ceasefire agreement o tigil putukan para matigil ang pag-atake ng bawat isa sa magkabilang panig sa gitna ng usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Dureza, sinabi ng Pangulo na “Let’s give this another last chance.”

Kung kailangan, committed din anya ang Pangulo na magbigay ng suporta para matigil na ang paghingi ng tinatawag na “revolutionary tax” ng mga rebelde.

TAGS: peace talks, Rodrigo Duterte, peace talks, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.