Ikinukunsidera na ngayon ng Department of Finance na buwagin na ang National Food Authority (NFA).
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni NFA Council Chairman at Cabinet Secretary Leoncio Evasco na ito ang kanilang napagkasunduan sa nakaraang meeting kasama si Pangulong Rodrigo duterte.
Pero ayon kay Evasco, kinakailangan pang idaan sa kongreso ang pagbuwag sa NFA.
Sa ngayon aniya, tinatalakay na ang pagbuo ng isang panukalang batas para tuluyan nang buwagin ang NFA.
Kasabay nito, sinisi ni Evasco ang NFA sa paglikha ng pekeng shortage ng NFA rice sa merkado dahilan para magpanik ang publiko.
Ayon kay Evasco, dahil sa pahayag ng NFA, maaring samantalahin ng mga negosyante ang pagtatago ng bigas para maibenta sa mas mataas na presyo.
Pinagpapaliwanag ni Evasco ang NFA kung saan dinala ang inilabas na malaking volume ng NFA rice mula October hanggang January na sakto sa lean season o panahon pa lang ng pagtatanim ng palay.
Sa ngayon ay nasa .35 percent na lamang ang buffer stock ng NFA rice sa mga bodea sa buong bansa, ibig sabihin, nasa 200,000 sako ng NFA rice lamang ang nakaimbak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.