Mga titulo ng lupain sa Marawi isasailalim na sa pag-aaral ng Task Force Bangon Marawi
Sinimulan na ng Task Force Bangon Marawi ang pag-aaral sa mga pag-aari at titulo ng mga lupain ng mga residente sa Marawi City sa gitna ng planong rehabilitasyon sa lungsod.
Sa isang panayam, sinabi ni Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, tagapagsalita ng Task Force Bangon Marawi, ikinukunsiderang i-develop ang ilang residential areas, partikular na ang mga bahagi ng military reservation.
Ayon kay Purisima, idinadaan pa naman sa negosasyon ito sa ngayon.
Sa mga nakalipas na taon, pinayagan ang mga residente na magtayo ng mga tirahan at establisyimyento sa Marawi City kahit na walang titulo.
Sa kabila nito, ayon Purisima, hindi ito nangangahulugang pag-aari na nila ang mga lupa.
Ayon sa opisyal, pinag-aaralan din nila kung gaano kalawak ng military reservation ang pananatilihin at kung gaano kalawak ang maibibigay sa mga residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.