Italian businessman na isa ring dating pari, dinukot sa Dipolog City

By Den Macaranas October 07, 2015 - 09:41 PM

Rolando del Torchio
FB page Banana Peel Flip Flops

Kinumpirma ng Dipolog City Police Office ang pagdukot ng pitong mga kalalakihan sa isang Italian businessman na nagmamay-ari ng isang Pizza Store sa lungsod.

Ang biktima ay nakilalang si Rolando Del Torchio, 56-anyos, isang dating pari at may-ari ng “UrChoice Pizza” na matatagpuan sa Miputak Road Dipolog City.

Sinabi ni Police Supt. Ranie Hachuela ng Dipolog Police Office na kumain muna ng pizza ang nasabing mga kalalakihan bago nila sapilitang tinangay ang biktima sa pamamagitan ng pagtutok ng mga baril.

Sa paunang ulat ng mga imbestigador, kasalukuyang kumakain ang mga suspek nang tumayo ang biktima mula sa cashier’s table at nag-punta sa comfort room.

Sa puntong iyon ay bigla na lang tumayo ang mga suspek at sinundan sa c.r ang biktima at sa pamamagitan ng pagtutok ng baril ay nagawa nila itong isakay sa isang kulay puting van bago mabilis na tumakas.

Naganap ang insidente kanilang 6:30 ng gabi at hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang follow-up operations ng mga pulis sa lugar na maaaring pinag-dalhan sa biktima.

Naka-recover sa crime scene ang mga pulis ng isang jacket, sunglasses at mga kahaon na posibleng pinaglagyan ng mga M16 rifles na sinasabing armas na dala ng mga suspects.

TAGS: Dipolog City, Italian, Kidnapping, Rolando Del Torchio, Dipolog City, Italian, Kidnapping, Rolando Del Torchio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.