Pulis patay makaraang aksidenteng mabaril ng kapwa pulis sa Taguig

Nabaril ng isang pulis ang kapwa-pulis matapos subukan ang service firearm sa Taguig City.

Nasawi sa insidente si PO1 Adrian Bermas.

Magkausap sina Bermas at PO1 Pamfilo Arguta Jr. sa labas ng bahay sa Barangay Lower Bicutan.

Kinuha umano ni Arguta ang service firearm ni Bermas para i-dry fire test.

Inakala ni Arguta na walang magazine ang service firearm ni Bermas ngunit nang paputukin ang 9mm na baril, tinamaan ng bala sa dibdib si Bermas.

Ayon kay Senior Insp. Glemm Amsiwen, naisugod pa sa ospital ang biktima ngunt dead on arrival ito.

Sumuko naman si Arguta at iginiit na hindi niya sinasadya ito.

Humingi rin ng tawad ang suspek sa pamilya ng biktima sa insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...