14 na tren ng MRT-3 ang bumibiyahe ngayong umaga – DOTr

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 04, 2018 - 08:26 AM

Sampung tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang bumiyahe sa pagbubukas ng operasyon nito ngayong Lunes ng umaga.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, alas 5:25 ng umaga ay labingdalawang tren nila ang operational.

Ayon sa MRT-3 sampu sa nasabing bilang ang agad na nai-deploy, habang ang dalawa ay pina-standby muna.

Samantala, pagsapit naman ng alas 6:21 ng umaga, sinabi ng MRT-3 na umabot na sa 14 ang running trains.

Pasado alas 8:00 ng umaga o kasagsagan ng rush hour ay wala ring naitalang pila ng mga pasahero sa mga istasyon ng tren.

Noong Martes ng gabi, mula alas 6:30 ng gabi hanggang alas 9:00 ng gabi ay labinglimang tren ng MRT ang nai-deploy.

 

 

 

 

 

TAGS: department of transportation, dotr, Metro Rail Transit, mrt-3, department of transportation, dotr, Metro Rail Transit, mrt-3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.