Parusa sa mga krimen laban sa mga abogado at hukom, gustong gawing mas mabigat ni Sen. Leila De Lima

By Jan Escosio April 04, 2018 - 08:12 AM

Naghain ng panukala si Senator Leila de Lima na layon bigyan proteksyon ang mga abogado at mga opisyal ng hudikatura.

Layon ng Senate Bill No. 1721 na maamyendahan ang Article 14 ng Revised Penal Code, kung saan mas pinabibigat ang krimen laban sa mga abogado.

Paliwanag ng senador, inilalagay ng mga abogado sa panganib ang kanilang buhay para lang matiyak ang pagbibigay ng hustisya kaya’t nararapat lang aniya na mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga ito.

Binanggit nito ang pagpatay sa mga abogado na may hawak ng mga high profile cases kabilang na ang mga abogado ng mag-amang Mayor Rolando at Kerwin Espinosa Jr.

Giit ni de Lima ang pag-atake sa mga abogado ay pag-atake sa sistema ng hustisya sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: leila de lima, Revised Penal Code, Senate, Senate Bill No. 1721, leila de lima, Revised Penal Code, Senate, Senate Bill No. 1721

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.