Aguirre sumasailalim sa check-up kaya absent sa DOJ

Itinanggi ng kampo ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na sinibak na ng Pangulong Duterte ang kalihim.

Ayon kay Justice Usec. Erickson Balmes, sumasailalim lamang ngayon si Aguirre sa routine check-up kaya hindi ito nagre-report sa kanyang tanggapan.

Wala rin aniya silang natatanggap na kumpirmasyon mula sa Malakanyang hinggil sa sinasabing pagsibak ng pangulo sa Justice secretary.

Lumutang ang balita hinggil sa sinasabing pagsibak ng Pangulong Duterte kay Aguirre nang madismaya ang presidente sa pagkaka-dismiss sa drug case laban kina Peter Lim, Peter Co, Kerwin Espinosa at iba pa.

Kabilang din sa mga umuugong na balita ay naghain na lamang ng resignation si Aguirre kaysa masibak siya sa pwesto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...