Ito anya ay upang pag-usapan ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na kasalukuyang nakabinbin sa Kongreso.
Matatandaang sa kanyang talumpati sa Isulan, Sultan Kudarat kung saan kanyang ipinamahagi ang land ownership certificates sa mga magsasaka ay sinabi ni Duterte na kanyang minamadali ang pagpasa sa BBL.
Anya, sinisikap niyang matupad ang kanyang pangakong deadline sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na maipasa ang batas bago matapos ang taon.
Dahil dito, sinabi ng pangulo na kanyang hihimukin sina Alvarez at Pimentel na maselyuhan na ang BBL sa loob ng taong ito.