Pangulong Duterte, nakatakdang makipagpulong kina Pimentel at Alvarez ngayong araw para pag-usapan ang BBL

By Rhommel Balasbas April 04, 2018 - 06:44 AM

Inihayag ni Speaker Pantaleon Alvarez na ipinatawag siya at si Senate President Aquilino Pimentel III ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa Malacañang.

Ito anya ay upang pag-usapan ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na kasalukuyang nakabinbin sa Kongreso.

Matatandaang sa kanyang talumpati sa Isulan, Sultan Kudarat kung saan kanyang ipinamahagi ang land ownership certificates sa mga magsasaka ay sinabi ni Duterte na kanyang minamadali ang pagpasa sa BBL.

Anya, sinisikap niyang matupad ang kanyang pangakong deadline sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na maipasa ang batas bago matapos ang taon.

Dahil dito, sinabi ng pangulo na kanyang hihimukin sina Alvarez at Pimentel na maselyuhan na ang BBL sa loob ng taong ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: BBL, Koko Pimentel, Pantaleon ALvarez, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, BBL, Koko Pimentel, Pantaleon ALvarez, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.