Singil sa kuryente muling tataas ngayong Abril

By Rhommel Balasbas April 04, 2018 - 06:39 AM

Muling magkakaroon ng dagdag-singil sa kuryente ang Meralco para sa buwan ng Abril.

Sa abiso ng Meralco, hindi naman magiging sinlaki ang ipapataw na dagdag-presyo sa kuryente kumpara sa ipinataw noong Pebrero at Marso.

Matatandaang nagpatupad ng P0.75 kada kilowatthour (kWh) na dagdag-singil ang Meralco noong Pebrero habang P0.85 per kWh noong Marso.

Samakatuwid, ito na ang ikatlong sunod na buwan kung saan may dagdag-singil sa presyo ng kuryente.

Ayon sa Meralco, ang pagtataas sa presyo ay bunsod ng pagmahal ng presyo ng kuryent sa spot market na isa sa mga pinagkukuhaan ng Meralco.

Bunsod ito ng problema sa suplay ng natural gas sa ilang planta na nagsanhi ng paglobo ng presyo sa spot market.

Inaasahang maipapataw sa buwan na ito ang natitirang P0.12 per kWh na hindi isinama sa nagdaang mga dagdag-presyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: april, april billing, Meralco, power rate hike, Radyo Inquirer, april, april billing, Meralco, power rate hike, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.