Marinerong Pilipino pasok na sa PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals

PBA Images

Unang koponan na nakapasok sa PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals ang Marineron Pilipino.

Ito ay matapos nilang talunin ang Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian sa kanilang naging laban sa Pasig Sports Center.

Masaya ang coach ng koponan na si Koy Banal na nakapasok sila sa semifinals matapos ang laban na nagtapos sa iskor na 82-67, pabor sa Marinerong Pilipino.

Dahil dito ay naitala ng koponan ang 9-2 win-loss record para sa buong season.

Pinangunahan ni Abu Tratter ang Marinerong Pilipino matapos makapagbigay ng 16 na puntos at sinundan siya ni Rian Ayonayon na nakapagbigay naman ng 15 puntos.

Para naman sa Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian, si Jayson David ang nakapagbigay ng pinakamalaking kontribusyon sa 12 points at 4 rebounds.

Read more...