Pangulong Duterte sasanib sa itatatag na partido ng komunistang grupo

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rebeldeng grupo na gumawa ng partido.

Ayon sa pangulo, sasali siya kapag nakapagtatag ang rebeldeng grupo ng partido.

Dagdag ng pangulo, maayos naman ang Communist Party noon subalit nagulo lamang nang umanib o nagkaroon na ito ng armed component.

Una rito, sinabi ng pangulo na bukas siya na magkaroon ng ceasefire sa komunistang grupo at isulong muli ang usaping pangkapayapaan.

November 2017 nang itigil noon ng pangulo ang alok na usaping pangkapayapaan dahil sa patuloy na pananambang ng komunistang grupo sa tropa ng pamahalaan.

Read more...