Palasyo, itinanggi ang balitang sinibak ni Pangulong Duterte si Sec. Aguirre

By Rhommel Balasbas April 04, 2018 - 02:55 AM

Pinabulaanan ng palasyo ng Malakanyang ang bali-balitang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Ito ay kaugnay ng pagkakabasura ng kaso laban sa umano’y drug lords na sina Peter Lim at umamin nang si Kerwin Espinosa.

Matatandaang umugong ang panawagan na sibakin si Aguirre o hindi kaya ay magbitiw ito sa pwesto.

Sa isang maikling pahayag ay sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na walang pahayag ang pangulo tungkol sa nasabing balita.

“No statement from PRRD to that effect.”, ani Guevarra.

Samantala, nauna na ring sinabi ni Aguirre na wala siyang balak magbitiw sa pwesto.

Inihayag na rin kamakailan ng Department of Justice (DOJ) na ang preliminary investigation sa pagkakabasura sa kaso laban kina Espinosa at Lim ay itinakda sa April 12, ala-1 ng hapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.