Iba pang kaso ng pang aabuso sa mga OFW, dapat tutukan ng pamahalaan

Hinikayat ni House Committee on Overseas Workers Vice Chairman Winston Castelo ang pamahalaan upang tingnan ang iba pang kaso ng pang-aabuso laban sa mga OFW.

Ayon kay Castelo, maraming mga kaso ng pagmamaltrato at iba pang uri ng pang-aabuso sa mga OFWs sa ibang mga bansa na dapat ding bigyang pansin ng pamahalaan.

Hindi aniya dapat tumutok lamang sa kaso ni Joana Demafelis na unti-unti nang nabibigyan ng katarungan.

Pinatitiyak din nito sa gobyerno ang pagsunod at pagpapatupad ng batas para sa pagbibigay proteksyon at pagsaalang-alang ng kapakanan ng mga OFWs.

Iginiit nito na kailangang magkaroon ng bilateral agreement sa mga bansang may mga OFWs upang magarantiyahan ang safety at security ng ating mga domestic workers.

Read more...