Sinabi ni Senator Cynthia Villar na isang opsyon na kanilang pinag-aaralan sa Senado ay ang pagbuwag na sa National Food Authority.
Ngunit sinabi ni Villar, na siyang namumuno ng Senate Committee on Agriculture and Foods, na kailangan pag-aralan ng husto ang abolisyon ng NFA dahil mangangailangan ng malaking halaga para sa retirement benefits ng may 4,000 kawani ng ahensiya.
Samantala, muling sinisi ni Villar ang NFA sa kawalan na ng kanilang buffer stock ng NFA rice.
Aniya mandato ng NFA na bumili ng mga bigas sa mga magsasaka ngunit hindi nila ito pinagtitiyagaan na gawin.
Sabi ni Villar, ang mga pribadong negosyante ng bigas ay personal na lumalapit sa mga magsasaka kaya’t sila ang nakakabili ng bigas.
Kaugnay pa nito, nagpahayag naman ng pangamba si Sen. Bam Aquino na muling tataas ang presyo ng bigas dahil wala ng buffer stock ang NFA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.