Final action sa panukalang isara ang Boracay, posibleng matalakay sa Cabinet meeting bukas ni Pangulong Duterte

Maari nang ilatag bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang final action ukol sa rekomendasyon ng DILG, DENR at DOT na isara ang Boracay Island ng anim na buwan.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menrado Guevarra, natanggap na kanina ng Office of the President ang justification o karagdagang paliwanag ng tatlong nabanggit na ahensya para ipasara ang Boracay.

Dagdag ni Guevarra, magpapatawag bukas ang pangulo ng Cabinet meeting at isa sa mga agenda na na maaring matalakay ang usapin sa Boracay.

Base sa rekomendasyon ng DILG, DENR at DOT, isasara ang Boracay simula sa April 26 para bigyang daan ang rehabilitasyon sa isla.

Read more...