Nakatakdang lumipad patungong Europe si Vice President Leni Robredo upang dumalo sa serye ng mga meeting at forum na naka-sentro sa pagpapabuti ng social justice at pagpigil sa kahirapan.
Sa inilabas na statement ng Office of the Vice President, nakasaad na magtatalumpati si Robredo sa London School of Economics at Political Science sa darating na Biyernes, April 6.
Ang forum ay inaasahang dadaluhan ng mga estudyante ng London School of Economics at iba pang mga unibersidad sa London.
Nakatakda ring makipagkita si Robredo sa mga miyembro ng pamahalaan ng Germany at civil society organizations sa Berlin.
Ayon sa OVP, ang nasabing programa ay pangungunahan ng Friedrich Naumann Foundation na naka-base dito sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.