Publiko, pinakakalma ng Malakanyang sa gitna ng ulat na ubos na ang suplay ng NFA rice

FILE

Huwag magpanic.

Ito ang naging pahayag ni Senior Deputy Executive Secretary Mernado Guevarra sa gitna ng ulat na ubos na ang suplay ng NFA rice sa Luzon.

Ayon kay Guevarra, bagamat mababa ang suplay ng NFA, sapat naman ang suplay ng commercial rice.

“We all know na mababa na talaga ang stocks ng NFA, but the overall rice supply is more than sufficient with plenty to spare. no need to panic,” pahayag ni Guevarra.

Pinakakalma rin ng Office of the Cabinet Secretary ang publiko sa naturang isyu.

Ayon kay Assistant Secretary Jonas Soriano, tagapagsalita ng Office of the Cabinet Secretary nasa apat hanggang limang porsyento lamang ang kabuuang NFA rice.

Kahit aniya mabawasan man ang NFA rice ng hanggang limang porsyento, hindi pa rin maapektuhan ang presyuhan sa merkado.

Tiniyak pa ni Soriano na sapat ang suplay ng bigas lalot nagsimula nang dumating ang ilang bahagi ng mahigit 700,000 metric tons ng bigas sa ilalim ng minimum access volume kung saan ang pribadong trader ang nag angkat ng bigas.

Read more...