Grupo na mahilig mamaril ng mga drug pusher sa Caloocan, sakit sa ulo ng PNP

By Mark Makalalad April 03, 2018 - 03:54 PM

Posibleng panandalian lamang sa kanyang pwesto bilang hepe ng Caloocan Police ang bagong talaga na si Superintendent Restituto Arcangel.

Ito ay kung magpapatuloy pa ang serye ng mga patayan sa lungsod at hindi mahuhuli ang mga tao sa likod ng grupo na mahilig mamaril sa mga drug pushers sa lugar.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, sakit sa ulo para sa kanila ang grupo na mahilig mamaril dahil napupunta sa mga pulis ang sisi sa nangyayaring mga patayan.

Paliwanag ni Dela Rosa, ang naturang grupo rin ang dahilan kung bakit nasisibak ang mga hepe sa Caloocan.

Anya, magaling na opisyal naman ang pinalitan ni Arcangel na si SSupt. Jemar Modequillo.

Gayunman, sadyang minalas lang daw talaga ito dahil hindi nito nasosolusyunan ang mga serye ng pamamaril sa lungsod.

Dagdag pa ni Bato, mayroon silang scorecard ng mga napapatay sa Caloocan at kung aabot ang bilang na ito sa alarming level ay buwan o linggo lamang ang aabutin ng opisyal.

Matataandan na bago si Modequilo, una nang sinibak bilang hepe ng Caloocan si Senior Superintendent Chito Bersaluna noong nakaraang taon.

Bukod dito, nadamay din at nasibak sa pwesto si dating Northern Police District Director, Senior Supt. Roberto Fajardo.

TAGS: caloocan, PNP, Ronald dela Rosa, caloocan, PNP, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.