Pilipinas malabong maging self-sufficient sa bigas ayon kay Duterte

By Chona Yu April 03, 2018 - 11:28 AM

INQUIRER FILE

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na malabong makamit ng pilipinas na maging self-sufficient sa bigas.

Sa talumpati kahapon ng pangulo sa pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award sa mga magsasaka sa Sultan Kudarat, sinabi niya na ito ay dahil sa nakuha na ng mga taong may pera ang magagandang lupa.

Imposible aniya itong makamit hanggat hindi natuto ang mga magsasaka na bungkalin ang mga bukid.

Kasabay nito inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Agriculture at Department of Environment and Natural Resources na ipamigay ang mga bukid na walang may-ari para magamit at mapagtaniman ng mga magsasaka.

Maari aniyang taniman ng puno ng niyog, rubber o palm oil ang mga bukid.

TAGS: Bigas, duterte, nfa, rice self-sufficient, Bigas, duterte, nfa, rice self-sufficient

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.