Mapa ng NPA nagpapakita ng lawak ng kanilang presenya, hindi totoo – Lorenzana

By Mark Makalalad April 03, 2018 - 10:21 AM

FILE

Walang katotohanan ang mapa na inilabas ng New Peoples Army (NPA) sa kanilang website.

Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasunod ng propaganda ng rebeldeng grupo sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo noong Huwebes.

Paliwanag ni Lorenzana, walang lehitimong area ang NPA kaya hindi nila masasabi na nasa 73 na ang probinsya na ang sakop nila o nakapagpakalat ng impluwensya.

Malinaw umano na panlilinlang lang ito at paraan para ipakita na malakas pa rin ang kanilang pwersa gayong patuloy na silang napipilayan ng mga myembro.

Giit pa ni Lorenzana nagha-hallucinate na ang founder ng Communist Party of the Philippines na si Joma Sison.

Tanging bahagi lang kasi ng Cordillera, Cagayan Valley, Quezon, Negros, Eastern Mindanao, Tri-boundaries ng Davao, North Cotabato Bukidnon at bulunduking bahagi ng South Cotabato.

Nabatid na mahigit 4,300 ng NPA ang sumuko sa pamahalaan mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Una na itong kinuwestyon ni Sison, sinabing peke lamang ito ngunit itinanggi naman ito ni Lorenzana.

TAGS: DND, komunistang grupo, NPA, DND, komunistang grupo, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.