Hustisya para kay Demafelis, tila nakamit na – Bello

By Rohanisa Abbas April 03, 2018 - 08:48 AM

INQUIRER File

Tila nakamit na ng Pilipinas ang hustisya para sa overseas Filipino worker na si Joanna Demafelis na natagpuang patay sa isang freezer sa Kuwait.

Ito ang reaksyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa paghatol ng korte sa Kuwait ng parusang kamatayan sa mag-asawang amo ni Demafelis.

Ayon kay Bello, inaasahan ng gobyerno na ibabalik ng Lebanon si Nader Essam Assaf at ng Syria si Mona Hassoun sa Kuwait kasunod nito.

Nilinaw ng kalihim na hindi agad-agad na bibitayin ang mag-asawa dahil maaari pa silang umapela kung gugustuhin. Saka pa lamang ipatutupad ang parusang bitay kapag pinagtibay ang hatol sa kanila sakaling umapela sina Assaf at Hassoun.

Tiniyak naman ni Bello na may ginagawa ring hakbang ang pamahalaan para mapabalik sa Kuwait ang mag-asawa. Aniya, idinadaan din ng Department of Foreign Affairs sa diplomasya ito.

Ipinahayag ni Bello na ikinatuwa ng pamilya ni Demafelis ang naging hatol ng korte sa Kuwait. Ayon sa kalihim, handa silang dalhin ang pamilya ng OFW sa Kuwait oras na magkaroon ng paglilitis sa kaso ni Demafelis.

TAGS: Joanna Demafelis, kuwait, Lebanon, ofw, syria, Joanna Demafelis, kuwait, Lebanon, ofw, syria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.