Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram

Sharon Cuneta Instagram

Palaisipan ngayon sa mga Sharon-Gabby fans kung nagkaroon na ba ng lamat ang muling pagkakaibigan nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ito ay matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.

Nasundan pa ito matapos namang mag-post ni Sharon ng isang quote kung saan sa caption ay sinabi nito na nawala sa kanya ang isang “lasting friendship.” Humingi rin ng tawad ang aktres sa kanyang mga nasaktan at sinabi na “minsan ayaw ng tadhana.”

Hindi naman nilinaw ni Sharon kung patungkol saan ang kanyang post.

Sa sumunod pang Instagram post ni Sharon ay muli itong nagbahagi ng quote kung saan sinabi nito na oras na para magsimulang muli at magtiwala sa ‘new beginnings.’

Wala namang komento si Gabby tungkol sa kanyang pag-unfollow sa dating asawa.

Read more...