Pagbili ng Grab sa Uber posibleng imbestigagan ng PCC
Posibleng boluntaryong iimbestigahan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang pagbili ng Grab sa Southeast Asian operation ng kakumpetensyang Uber.
Ayon sa naturang anti-trust watchdog, posibleng may malaking epekto sa mga pasahero at sektor ng transportasyon ang Grab-Uber acquisition.
Bilang motu propio case, pwedeng i-review ng PCC ang transaksyon sa pagitan ng Grab at Uber nang walang notification sa dalawang kumpanya.
Sa ilalim ng Philippine Competition Act, mandato ng komisyon na suriin ang lahat ng deal na may halagang P2 bilyon pataas.
Ito ay para tiyakin na ang pagbili ng Grab sa Uber ay hindi magreresulta sa anti-competitive practices.
Dahil sa merger, ang operasyon ng Uber sa Pilipinas ay hanggang sa April 8 na lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.