Guidelines sa pagbibigay ng donasyon sa mga kandidato inilabas ng Comelec

By Ricky Brozas October 07, 2015 - 03:25 PM

biometrics
Inquirer file photo

Habang papalapit ang panahon ng eleksyon, inilatag ng Comelec ang mga ipinagbabawal na mga aktibidad na may kinalaman sa pagpopondo sa kampanya ng mbawat kandidato.

Nakapaloob sa Comelec Resolution No. 9991 o “Omnibus Rules and Regulations Governing Campaign Finance and Disclosure” ang pagpapatupad ng expenditure report bilang bahagi ng ilang probisyon ng Omnibus Election Code.

Salig sa panuntunan, hindi pinapayagan ang pagsasagawa ng palaro, boxing bout, beauty contests, bingo, loterya, pagpapalabas ng pelikula at iba pang pagtatanghal o entertainment na ang pakay ay makalikom ng campaign fund.

Ang mga sumusunod ay hindi naman pinapayagan na mag-ambag ng kontribusyon para gastusan ang mga political activities.

Mga korporasyon na nag-ooperate ng public utility, mga kumpanyan o mga tao na may kontrata para magsuplay sa gobyerno ng mga kagamitan o serbisyo sa konstruksyon, mga napagkalooban ng pautang ng higit sa P100,000 mula sa alinmang tanggapan ng gobyerno kabilang na ang mga government owned and controlled corporations.

Kabilang din sa listahan ang mga educational institutions na tumanggap ng grant o public fund ng hindi bababa sa P100,000, mga opisyal at empleyado na nasa Civil Service at opisyal at mga kasapi sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga dayuhan pati na rin ang mga multi-national corporations.

Ang mga lalabag sa probisyong ito ay ituturing na election offense at mahaharap sa kaukulang kaso sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Kinakailangan namang iulat sa Comelec at sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang anumang donasyon na manggagaling sa mga pribadong korporasyon at indibiduwal.

TAGS: andres bautista, comelec, Expenditures, SEC, andres bautista, comelec, Expenditures, SEC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.