Ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III, magsasampa sila ng administrative complaints sa Office of the Ombudsman bago mag-April 14 o bago magsimula ang election ban.
Sa ngayon anya ay tinatapos na ng Boracay Investigating Team ang lahat ng ebidensya laban sa mga opisyal ng bayan ng Malay.
Dagdag ni Densing, isasailaim din nila sa audit ang bawat establisyimento sa isla kaugnay ng hindi nila pagsunod sa environmental laws.
Una nang sinabi ni Malay Mayor Ciceron Cawaling na handa siyang humarap sa imbestigasyon at posibleng kaso laban sa kanya kaugnay ng mga iligal na istraktura at sewage problem sa Boracay.