Kasong administratibo laban kay Uson, ipinagkibit-balikat lamang nito
Binalewala lamang ni Presidential Communications Assistant Secretay Mocha Uson ang kasong administratibo na isinampa ng Akbayan Youth laban sa kanya sa Office of the Ombudsman dahil sa umanoy pagpapakalat niya ng mga pekeng balita.
Sa post ni Uson sa kanyang blog, sinabi nito na nagpapasalamat siya sa Akbayan Youth dahil binigyan siya ng ideya sa magiging pangalan ng kanyang future coffee shop.
Samantala, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na bagamat hindi niya binabasa ang mga blog ni Uson, hindi siya naging instrumento ng pagpapakalat ng mga pekeng balita.
Tiwala si Guevarra na kakayanin ni Uson na idepensa ang kanyang sarili sa Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.