Aktibidad ng nakapasok na outlaw motorcycle groups sa bansa, binabantayan ng HPG

By Mark Makalalad April 02, 2018 - 11:40 PM

Nakaalerto ngayon ang pwersa ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police (PNP-HPG) sa presensya ng mga nakapasok na outlaw motorcycle groups sa bansa.

Ayon kay Chief Supt. Arnel Escobal, hepe ng HPG, sa pamamagitan ng isang international conference sa Indonesia ay nakatanggap sila ng ulat mula sa Australian Federal Police na nakatawid na sa Pilipinas ang naturang mga sindikato.

Sangkot daw ang mga ito sa gunrunning, extortion, drug trafficking at prostitution.

Tinukoy ni Escobal ang outlaw motorcyle groups na Hell’s Angels at Bandidos na nag-e-establish na umano ng koneksyon sa Cebu.

Bagaman hindi pa tukoy ang bilang at hindi pa nagpaparamdam, sinabi ng opisyal na patuloy silang magmo-monitor dahil seryoso ang magiging banta ng grupo sa bansa oras na kumalat sila at makapag-recruit ng mga myembro.

Nabatid na kalat na ang outlaw motorcycle groups sa Asia, Australia, Europe at Amerika.

TAGS: Bandidos, Hell’s Angels, Highway Patrol Group, pnp-hpg, Bandidos, Hell’s Angels, Highway Patrol Group, pnp-hpg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.