Task force na mag-iimbestiga sa mga media killings inilunsad na

By Chona Yu April 02, 2018 - 11:33 PM

Sinimulan na ng Presidential Task Force on Media Security ang pagpapakalat ng special agents sa iba’t ibang bahagi ng bansa para magsagawa ng reinvestigation sa mga hindi pa nareresolbang kaso ng pagpatay sa mga kagawad ng media.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar na siyang tumatayong co-chairman ng task force, layunin nito na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ilang mga kagawad ng media.

Pinangunahan ni Andanar at ni Undersecretary Joel Egco ang send off sa mga special agents ng task force.

Patunay din ito ayon kay Andanar na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na maresolba ang mga media killings sa bansa.

Matatandaan na sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ay binigyang diin nito na hindi niya hahayaan ang karahasan at pagsupil sa kalayaan ng media kaya naman agad niyang nilagdaan ang Administrative Order No. 1 o ang pagbuo ng PTFoMS.

TAGS: Martin Andanar, Media killings, Presidential Task Force on Media Security, Martin Andanar, Media killings, Presidential Task Force on Media Security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.