Pangulong Duterte, nagkukumahog na sa Bangsamoro Basic Law

By Chona Yu April 02, 2018 - 08:34 PM

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na gahol na siya sa oras sa para matupad ang pangakong timeline sa Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front para sa pagkakaroon ng Bangsamoro Region.

Sa talumpati ngayong hapon ng pangulo sa pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award sa mga magsasaka sa Sultan Kudarat, sinabi nito na hihimukin niya sina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez na maselyuhan ang Bangsamoro Basic Law sa loob ng taong ito.

Sinabi pa ng pangulo na babalik siya sa Jolo, Sulu sa susunod na mga araw para kausapin si MNLF Chairman Nur Misuari para mailatag ang mga magiging kasunduan sa kapayapaan sa Mindanao.

Sakali aniyang maisabatas na ang BBL at mabago na ang kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa Pederalismo, makabubuti sa bansa kung magkakaroon ng isang bagong presidente lalo na kung isang Moro.

TAGS: BBL, Rodrigo Duterte, BBL, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.