Dating VP Binay at anak na dating Makati Mayor Junjun Binay, nagpyansa na sa Sandiganbayan

By Erwin Aguilon April 02, 2018 - 08:32 PM

Naglagak na ng pyansa para sa kasong katiwalian sa Sandiganbayan si dating Vice President Jejomar Binay at anak nito na si dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Halagang P192,000 ang ibinayad na pyansa ng bawat isa sa mag-amang Binay.

Nahaharap ang mag-amang Binay ng four counts ng graft at tatlong counts ng falcification na may kaugnayan sa maanomalyang pagpapagawa ng Makati Science High School Building na nagkakahalaga ng P1.3B.

Bukod sa mag-ama dawit din sa kaso ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee at ilan pang mga pribadong indibidwal.

Sa information na isinampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan, nagsabwatan ang mag-amang Binay at iba pang mga kapwa nito akusado.

Minadali umano ang procurement process, pineke ang bidding documents at itinago ang proyekto sa mga prospective bidders.

TAGS: binay, sandiganbayan, binay, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.