Sinabi ni Bertiz, hindi dahil sinabi ng Pangulo na kapag nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Demafelis ay agad babawiin ang deployment ban sa Kuwait.
Kaduda-duda anya ang lumabas na balitang bibitayin ang mag-asawa matapos ang naging pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa lifting ng deployment ban.
Sinabi pa ng kongresista na kung susuriing mabuti, kahit ang mga naunang balita na hawak na ng Lebanon Auhtority ang Lebanese na lalaki na pumatay kay Demafelis ay wala pa ring kumpirmasyon o official report man lamang na galing sa DFA at embahada ng Pilipinas sa Lebanon.
Paliwanag nito, malabong magpataw ng parusang kamatayan ang Kuwait kung ang suspek naman ay nasa Lebanon.
Naniniwala din ito na uulan ng “lobby money” para mabawi ang deployment ban dahil malaki ang kinikita dito ng ibang mga bansa.