Lumutang na senatorial line up ng Liberal Party, itinanggi ni Sen. Pangilinan

Ipinagdiinan ni Liberal Party President Senator Kiko Pangilinan na may senatorial line up ang kanilang partido para sa midterm elections sa susunod na taon.

Aniya maaring ang listahan, na kumalat sa social media, ay saloobin ng ibang tao at hindi ito opisyal na posisyon ng kanilang partido.

Giit ni Pangilinan hindi sila maaring bumuo ng sarili nilang senatorial line up dahil makikipag-alyansa sila sa ibang grupo para magkaroon ng mas malakas na koalisyon ng tunay na oposisyon.

Aminado ito na mahihirapan sila kung magsosolo ang kanilang partido.

Sa kumalat na listahan ay kabilang sina dating Interior Sec. Mar Roxas, Sen. Bam Aquino, sina dating Senators Teofisto Guingona III at Ramon Magsaysay Jr., dating Pampanga Gov. Eddie Panlilio at dating Quezon Rep. Erin Tañada.

Gayundin sina Albay Rep. Edcel Lagman, Northern Samar Rep. Raul Daza, Magdalo Rep. Gary Alejano, Reps. Jose Christopher Belmonte ng Quezon City, Kaka Bag-ao ng Dinagat Islands at Cebu City Mayor Tomas Osmeña.

Read more...