Sen. De Lima, may duda pa rin sa P50M Immigration Bribery Scandal
Duda si detained Senator Leila de Lima na sina dating Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles lang ang sabit sa nadiskubreng P50 million Immigration bribery scandal.
Bagamat sinabi ni De Lima na magandang pangyayari ang pagsasampa ng mga kaso laban kina Argosino at Robles sa Sandiganbayan, may mga matataas pa na tao sa dalawa ang posibleng sabit sa iskandalo.
Sinabi nito na nabunyag sa pagdinig sa Senado na ang P50 million ay nadala pa sa bahay ni PAGCOR President Alfred Lim sa Dasmarinas.
Binanggit din nito ang maaring naging bahagi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, na sandaling nakausap nina dating Supt. Wally Sombero Jr at gambling tycoon Jack Lam sa Shangri-La Hotel sa Taguig City.
Hinimok nito sina Argosino at Robles na ibunyag na ang lahat para hindi lang sila ang bumalikat ng lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.