Deployment ban sa Kuwait, mananatili pa rin ayon sa Malakanyang

By Chona Yu April 02, 2018 - 12:59 PM

DFA File Photo

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs na suriin kung totoo ang napaulat na balita na hinatulan na ng korte sa Kuwait ng parusang bitay ang mag-asawang Lebanese at Syrian ng pinatay na OFW na si Joanna Demafelis.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na nais makasiguro ng pangulo na totoo ang balita lalo’t hindi naman nakakulong sa Kuwait ang mga suspek na sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun.

Sa kabila nito, sinabi ni Guevarra na mananatili pa rin ang deployment ban ng mga OFW sa Kuwait.

Hindi maikakaila ayon kay Guevarra na matutuwa ang pangulo kung totoo ang balita dahil nangako ito sa pamilya Demafelis na bibigyan ng hustsya ang OFW na isinilid sa freezer ang bangkay ng isang taon.

Bukod dito, sinabi ni Guevarra na hindi lang ang pangulo ang matutuwa kundi maging ang taong bayan na mahatulan ng bitay ang mga employer ni Demafelis.

Sa ngayon sinabi ni Guevarra na isa sa mga tinitingnan ng pamahalaan ng Pilipinas ang extradition treaty sa pagitan ng Kuwait, Lebanon at Syria para makuha ang mga suspek at maparusahan ng bitay sa Kuwait.

Matatandaang iniulat na hinatualn na bitay in absencia ng Kuwaiti Criminal Court ang mag asawang Assaf at Hassoun.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: deployment ban, Joanna Demafelis, Kuwaiti Government, OFWs, deployment ban, Joanna Demafelis, Kuwaiti Government, OFWs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.