Ipinagharap ng reklamong administratibo ng grupong Akbayan Youth sa Office of the Ombudsman si Asec. Mocha Uson, dahil sa pagpapakalat umano ng maling impormasyon habang naninilbihan sa pamahalaan.
Batay sa 12-pahinang reklamo, sinampahan si Uson ng gross misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of public service dahil sa maling balita na pinakakalat umano nito sa kanyang Facebook page na Mocha Uson Blog sa panahon na siya ay naninilbihan sa Presidential Communications Operation Office o PCOO.
Ayon kay Bas Claudio ng secretary general ng Akbayan Youth UP Diliman, nasasayang ang buwis ng taumbayan na pinasusuweldo kay Uson na ang tanging trabaho anila ay magpakalat ng maling balita.
Sinabi naman ni Shaman Bulangis, co-convenor ng Youth Resist si Uson ay kailangan nang sibakin sa pwesto dahil sa umanoy mapang-abusong ginagawa habang siya ay nasa posisyon.
Bago ang paghahain ng reklamo nagsagawa ng protesta ang grupo sa labas ng Office of the Ombudsman.
Bitbit nila ang mga placard na may ‘protest signs’ at larawan ng tasa ng kape na may mukha ni Uson at paulit-ulit nilang isinigaw ang Fire “Mocha”