Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa Kuwait na nalalapit nang matapos ang deadline para sa amensty program ng pamahalaan doon.
Sa abiso ng DFA, mayroon na lamang 10-araw ang mga OFWs para mag-avail ng amesty program ng Kuwaiti Government.
Ayon sa DFA, sa April 12 kasi ang huling araw ng pagpaparehistro para sa nais mag-avail ng amnestiya.
Ang mga nais humabol sa nalalabing 10 araw ng pagpaparehistro ay pinapayuhang magtungo sa konsulada ng Pilipinas sa Kuwait.
Matatagpuan ito sa Humaidi Street sa Al Siddeeq Area, South Surra.
Sinabi ng DFA na tumatagal ng sampung araw ang pagproseso sa mga kailangang dokumento at clearance para sa amnesty program.
Kaya para maabutan ang April 22 deadline ng gobyerno ng Kuwait, dapat ay magparehistro na bago sumapit ang April 12.