Sentensya sa mag-asawang amo ni Joanna Demafelis, kinumpirma na ng ambassador ng Kuwait
Kinumpirma na kay Labor Secretary Silvestre Bello III ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Althawaikh na sinentensyahan ‘in absentia’ ang mag-asawa na dating employer ni ng OFW na si Joanna Demafelis.
Ayon kay Bello, hinatulan ng korte sa Kuwait ng kamatayan ang Lebanese na si Nader Essam Assaf at Syrian na si Mona Hassoun.
Gayunman, may pagkakataon pa ang mag-asawa na ipela ang hatol at kailangang nasa Kuwait sila para maihain ang apela.
Sa ngayon kasi hawak ng Lebanese authorities ang lalaking suspek at ng Syrian authorities naman ang babaeng suspek.
At maaring ito aniya ang maging dahilan ng pagtagal ng kaso.
Hindi rin tiyak ni Bello kung mayroong extradition treaty ang Kuwait sa Lebanon at Syria.
Ani Bello, tuloy naman ang pangako ng Kuwaiti Government na pupurisigin nila ang kaso laban sa mga amo ni Demafelis para mabigyang hustisya ang pagkamatay nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.