Google, binigyang pagkilala ang Pilipinong makata na si Francisco Balagtas sa kaniyang kaarawan
Ginugunita ngayon ang ika-230 na kaarawan ng Pilipinong makata na si Francisco Balagtas.
Si Balagtas na kilala rin bilang Francisco Baltazar ay ipinanganak noong April 2, 1788 sa Balagtas, Bulacan
Binigyang pagkilala naman ng Google si Balagtas para sa paggunita ng kaniyang kaarawan.
Sa Google display, makikita ang mga larawan na hango sa popular na likhang tula ni Balagtas na Florante at Laura.
Sa sandaling i-clilck ang larawan ay otomatikong lalabas ang mga impormasyon tungkol kay Balagtas.
Pumanaw si Balagtas noong February 20, 1862 sa edad na 74.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.